Kahapon may kaibigan akong tumawag at nagtanong tungkol sa Barter. May parlor si Sally at sa construction naman ang asawa niya. Maraming sobrang semento, bakal, kahoy na nasasayang kaya't nakikipag "ex-deal" sila sa mga kakilala, mga limang taon na din daw nilang ginagawa ang ex-deal. Sa parlor naman tinatapon na lang ni Sally ang mga natitirang gamot at pag patay na oras ang mga tao niya ay nag fe facebook na lang kaya't tinanggal na niya ang computer sa parlor.
Ito din ang kadalasang nagiging problema ng ibang negosyante. Maraming tapon, sobra, tira, nasisira--kaya sa isang negosyante, kumbaga nakakaiyak at malaking kawalan ang kahit isang piraso ng masayang na paninda o produkto. Kaya nga ba nakikipag ex-deal para masolusyunan ang problemang ito.
Pero paano kapag ayaw mo ang "ipapalit"? Tulad ni Sally, mahilig siya sa spa, travel, gym, shopping, alam mo na, tipikal na babae, at kadalasang ipinapalit sa construction materials ng asawa niya..ilaw, pako, kable, panambak.."anu ba yun!!" ito ang mga kataga ni Sally.
Dito pumapasok ang sistema ng BEX. Ang Barter Philippines na nagpapakilala ng kakaiba at makabagong sistema ng barter, ex-deal o palitan. Maraming miyembro ( walang membership fee ) na pwedeng makipagpalitan sa isa't-isa na hindi limitado o iisa lang ang pwedeng ka barter o ka ex-deal.
Kaya ang dating problema ni Sally, ang mga construction materials at serbisyo/gamot sa parlor niya ay pwede na i-barter o ipalit sa spa, travel, gym, shopping sa iba't-ibang miyembro ng BEX.
Para sa karagdagang impormasyon tumawag sa 09175438899, silipin ang website http://www.bexbartercard.com
at sundan ang mga susunod na impormasyon dito sa blog ng Barter Philippines.
No comments:
Post a Comment